Catholic Faith Defender

JOHN. 8:32 “et cognoscetis veritatem et veritas liberabit vos”

ANG DAAN DOON, ANG DAAN DITO, SAAN KA TUTUNGO?Ang mga salu-salungat na aral ni Ingkong at ng Dating Daan

Posted by catholicfaithdefender on March 12, 2008

Ang Kasaysayan
Noong 1922, tumiwalag sina Nicolaz Perez at Teofilo Ora sa Iglesia ni Kristo (bersyon ni Manalo) pagkatapos na mapag-alamang si Kristo ay tunay na D’yos. Itinatag ng dalawa ang Iglesia Verdadero de Cristo. Hindi nagtagal at nagkaroon ng hidwaan ang dalawang tagapagtatag. Dahil dito tumiwalag si Nicolaz Perez sa grupo at itinatag ang Iglesia ng Dios Kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan. Ang mga magulang ni Ginoong Eli Soriano ay kabilang sa grupong ito ni Ginoong Nicolaz Perez. Sa edad na 17, hindi natapos ni Ginoong Soriano ang kanyang sekondaryang pag-aaral, naging malapit na pinagkakatiwalaan ni Perez si Soriano. Naging bulung-bulungan sa grupo na ang papalit kay Perez ay si Soriano, ngunit noong 1975, nagulat ang marami ng mapili si Levita Gugulan. Noong una pumayag dito si Ginoong Soriano, ngunit ‘di nagtagal ito’y kanya ring kinontesta dahil sa paniniwalang ang isang relihiyon ng D’yos ay kahit kailan man ‘di pweding pamunuan ng isang babae. Bagaman may sinasabing ganito ang Bibliya, hindi ito ang tunay na dahilan kung bakit kinalaban ni Soriano si Gugulan. Ang totoong dahilan ay, hindi matanggap ng grupo ni Soriano (at ni Soriano na rin) na hindi ang lider nito ang napiling manguna sa samahan. Dahil dito, noong 1976, itiniwalag si Eliseo Soriano ni Gugulan sa grupo. Nagtatag si Soriano ng sarili niyang relihiyon (na taliwas naman sa sinasabi niyang galing pa sa Herusalem ang kanyang relihiyon) at tinawag itong, “Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan”. Di nagtagal binago ng grupo ang pangalan ng kanilang samahan at naging “Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan” na kaparihas naman sa pangalan ng grupo ni Gugulan, na “Iglesia ng D’yos kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan”. Nagtulak ito kay Gugulan na sampahan ng kaso si Soriano dahil sa panggagaya ng pangalan ng samahan niya. Nagkaroon ng matinding labanan at hidwaan ang grupo na mapagsa-hanggang ngayon ay nagpapatuloy. Noong 2002 lamang, nagpalabas ang Korte Suprema ng desisyong pumapanig sa grupo ni Levita Gugulan, kaya binago ulit ng grupo ang pangalan ng samahan para maging “Iglesia ni YHWH at ni YHWSA HMSYH “.

ANG MGA SALUNGATANG ARAL NI INGKONG

Kung ika’y manonood sa programa ni Soriano, mabibighani ka sa tili “kagalingan” ni Soriano sa Bibliya. Ayon pa nga kay Arnold Clavio, isang media anchor sa isang estasyon ng telebesyon, si Eliseo Soriano daw ay “isang dalubhasa sa Bibliya”. Papaano ba naman, si Soriano na mismo ang nagsabing kaya niyang basahin ang Bibliya kahit nakapatay ang ilaw. Ngunit kung pag-aaralang mabuti ang kanyang mga salaysay, makikita ang salungatang pahayag nito. Narito ang iilan sa napakaraming mga salungatang pahayag ni Soriano;

PAPALIT PALIT, KONTRA KONTRA DOKTRINA NI INGKONG…….

SUGO

Unang pahayag
SORIANO: “Ako po ay ano…isang ordinaryong…. mangangaral ng… salita ng Dios,ayaw kong tumanggap ng kahit anong claim na,.….ke propeta , ke sugo…….”

Pangalawang pahayag
Soriano:”Napaka-baliw ko naman, kung nangangaral ako hindi naman ako naniniwalang ako’y sugo”

Pangatlong pahayag
SORIANO: “If I claim na nangangaral ako,therefore, I am obliged to confirm or to say that I am a sugo…”

PULITIKA

Unang paninindigan
Soriano: “Kaya ho yong’ nagsasabi sila’y mangangaral tapos kumakandidato, mabuti wag’ nyong i-boto yun’ eh hehe! mga kababayan”
Soriano: “Ako po naniniwala iyong isang mangangaral na talagang sa Dios, hindi ka dapat kumandidato eh, bakit eh ihahalo mo iyong sarili mo don’ sa alam mong maraming dumi, iyong pulitika”
Soriano: “ah eh marami ngayon eh kina-kapital ang Biblia at kanyang religion para gawing propaganda sa election”
Soriano: “Kasi hindi gawain ng mga kristyano iyon eh, iyong mangampanya iyong mga kung ano-anong mga….. gimik na iyan sa politika”
Soriano: “ibang religious lider mataas ang pangarap eh, gusto nila mag-karoon narin sila ng control sa state, which is against the constitution”

Pangalawang paninindigan
Soriano: “Nakaka-inis din tong’ mga mambabatas natin mula sa congress hangang sa senate eh, ba’t hindi nila yan’ sugpuin yang’ ganyan, na protektahan nila ang kapakanan ng mahihirap kapatid na Jocel . Kaya parang gusto kong kumandidatong …..SENADOR eh!”
Soriano: Ang totoo sabi ko nga…kaya kung ako magiging Senador eh…ang ipo – propose ko iyong mga aral sa Biblia eh na gawing batas eh,…ano! Maganda aral sa Biblia eh, pagka naka-50 anyos ka ‘don sa lupa eh…ibibigay mo naman sa iba eh
Luz: Hindi puro sayo nalang
Soriano: Oo, maganda iyon! Halimbawa hindi na maka-bayad ‘yung may utang sayo, ha! Hindi na talaga maka-bayad kahit anong mangyari, pagdating ng ika-50 taong may utang eh papatawarin na ‘nya iyon eh
Danny: Kanya na iyon
Luz: Papatawarin na ‘nya iyon
Soriano:Diba ‘no! Ang ganda ‘non ano!?
Luz: Oho!

Willy: “kapatid, i-boto po natin si Bro. Eli sa 2004
(Caller): Ay naku opo! Basta nag-kandidato po si Bro. Eli eh para maging matuwid napo ang takbo ng ating bansa (Willy): Salamat po”
Jocel: “Naniniwala ako kay bro. Eli na sya’ ay sugo ng Dios kaya lang mas mabuti na hindi na sya’ tumakbo na presidente, kasi mahahati ang priority nya and mawawala sya’ sa …ng oras sa gawain para sa Iglesia nyo”
Willy: “hmmm?! Is that possible bro. Eli? Mr. President?”(tawanan)
Soriano: “alam mo kapatid ano, ang pamumuno hindi naman makakapag-hiwalay sayo sa Dios iyong pamumuno eh, ba eh …..gagawin mo nga iyong pamumuno iyong galing sa Biblia eh, paano kang mahihiwalay sa Dios”

Matatandaan na si Soriano ay nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy para senador noong 2004 elections.

ORDINASYON

Unang paninindigan ng Dating Daan
Danny: “yung’ ginagamit mong basehan…ng Biblia 2Tim. sa saling Mangadang Balita Biblia saling katoliko, eh…. wala kadin namang letra for letra may mababasa ka ba dong’ ordinasyon yon’ kapatid na Resty?
Resty: “wala nga”
Danny: “O! Walang ordinasyon don’”

Pangalawang paninindigan ng Dating Daan
Danny: “piro ibig bang sabihin eh….iyong pag-papatong ng kamay sa Magandang Balita Biblia eh…yun’ na eh….antimano agad eh ordinasyon? Hindi kami tumututol ho! na ito’y… ordinasyon pero sagutin mo! Ordinasyon ba ito o hinde?

OPISYAL NA PANGALAN AYON SA BIBLIA

Unang paninindigan ni Soriano
Soriano: “unang – una wala ka namang mababasa sa Bibliang… OPISYAL na pangalan”

Ikalawang paninindigan ni Soriano
Soriano: “Kaya kung ang pag-uusapan ay opisyal na pangalan ng Iglesia, walang ka-opi-opisyalan kundi Ang Iglesia Ng Dios!(palakpakan at hiyawan) Iyan ang dapat ninyong maintindihan”

Soriano: “Kaya po iyong Iglesia Ng Dios, iyon po’y nasalig o natayo sa ibabaw ng batong saligan ng pananampalataya iyang si Cristo-Jesus, kaya Iglesia Ng Dios kay Cristo-Jesus, iyan ang pangalang sinasabi ng Banal na Kasulatan. Iyan ang opisyal at kumpletong opisyal na pangalan(dahak) ng tunay na samahan o Iglesiang itinuturo ng Banal na Kasulatan mga mahal na kababayan”

Danny: “Eh tayo kapatid na Willy eh sa apat na sulok ng mundo eh kilala bilang grupo ng Ang Dating Daan eh, rehistrado naman iyong ating ADD, iyong Bayan ng Katotohanan ay rehistrado rin

SATANAS, MABUTI O MASAMA?

Unang paninindigan ni Soriano
Soriano: “Hindi naman po dating si Satanas eh masama eh! Hindi ho ba?! Hindi naman dating si Satanas eh sinungaling! Kaya lang sya sumama’t naging sinungaling ng sya’ eh mag-paka-sama, at ito’y gawa ng kanyang sarili! Hindi gawain ng Ama ito”

Soriano: “8: 44 ng Juan. Kayo’y sa inyong Amang Diablo at ang mga nais ng inyong Ama ang ibig ninyong gawin. Sya’y isang mama-matay tao buhat pa ng una, at hindi nananatili sa katotohanan sapagkat walang katotohanan sa kanya, napansin po ninyo? Si Satanas hindi dating masama eh! Hindi sya’ dating sinungaling! Ang sabe, sya’y mamamatay tao buhat pa ng una! At hindi sya nananatili sa katotohanan. Kailan po sya’ inatangang mamamatay tao? Buhat pa ng una! Buhat ng paki-alaman nya’ si Eva’t si Adan sa halamanan ng Eden. Hayon, hindi ang wika sya’ nananatili sa katotohanan. Samakatwid ang ibig sabihin, may isang panahon nasa katotohanan si Satanas”

Ikalawang paninindigan ni Soriano
Soriano: “Si Satanas pala kung Biblia ang pag-babatayan hindi naman naging mabuti kahit kailan. Hindi! Mula pa ika sa pasimula ay nag-kakasala na sya’ eh, sabi ni Juan. Tanungin natin si Jesus. Pakingan natin sa 8: 44 .”

Taga-basa: “Ng Juan. Kayo’y sa inyong Amang Diablo at ang mga nais ng inyong Ama ang ibig ninyong’ gawin. Sya’y isang mamamatay tao buhat pa ng una”

Soriano: “Kailan pa sya’ naging mamamatay tao? Buhat pa ng una. Eh Where in history o what time in history na si Satanas ay maipapakita mong mabuti?

Soriano: “Sabi ng lahat ng pastor si Satanas daw ay Kerubin”
Gremlin 1: “mm-uh”
Gremlin 2: “Ganon nga po”
Gremlin 2: “Oo”
Soriano: “Mabuti! Sakdal! Tapos, sa pasimula! Tapos sumama!
Gremlin: “Sa pasimula”
Gremlin: “umm-uh”
Soriano: “Eh me nabasa ako!
Gremlin 1: “hihihihi!”
Gremlin 2: “hahahaha!”
Soriano: “Sa umpisa palang pala eh tarantado na ito!
Gremlin 1: “Aray ko!”
Gremlin 2: “Patay tayo!”
Gremlin 3: “hahahaha!!”
Soriano: “Saan mo kukunin ngayon ang pag-tutol dyan? O sige nga?! Diba?!
Gremlin 1: “hahahaha!”
Gremlin 2: “hahahaha!”
Gremlin 3: “hahahaha! Eh bakit kana ba ….?

NO FIXED AMOUNT?

Unang paninindigan ni Soriano
Soriano: “contribution are given with the voluntary price from believer”
Willy: “No fixed amount, bro Eli?
Soriano: “No fixed amount”

****************************************************
Soriano: “pero parang turo ko. O ikaw, isang libo ka, limang libo ka. Hindi ganon! Dito basta’t ayon sa ipinasya ng puso mo, maluwag sa kalooban mo at….ayon sa pag-kakilala mo”
***************************************************

Willy: “Magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasya ng kanyang puso, wag’ mabigat sa loob o sa kailangan, sapagkat iniibig ng Dios ang nag-bibigay na masaya”
Soriano: “Ayon! Ang gusto ng Dios, mag-bibigay ka ayon sa iyong pasya ng puso. Therefore, kailangan boluntaryong gusto ng Dios, nag-bibigay kang masaya ayon sa pasya ng iyong puso. Iyan ang batas ng Kristyanismo sa pag-bibigay sa iglesia o sa gawain ng panginoon o sa pag-kakawang-gawa, mag-bibigay ayon sa pasya ng puso! Voluntarily! Ngayon, papano isinasagawa iyong pag-bibigay na buluntad? Hindi pinipilit! Walang insinuation”

Pangalawang paninindigan
Soriano: “Pero humihingi lang kong’ tulong, DALAWAMPUNG MILYON lang ang kailangan ko para ma-alisan ako ng isipin, yun’ palang p20M dalawampung libong myembro lang na tig-iisang libo me p20M na eh, eh mahigit naman tayo sa 20 thousand, tig-iisang libo lang eh meron ng 20M. Sana…. katukin ng Dios ang kalooban ninyo mga kapatid. Please! Nakiki-usap ako sa inyo, ease me with my burden, tulungan nyo ako napaka-bigat na po, napaka-bigat na nagkakapatong-patong na ang aking pasan-pasan”
Soriano: “Ipag-palagay mo nalang sampung libo nalang tayo. Halimbawa tig-sasang-daang piso nalang, sampung libong mag-kano? Sampung libong isang daan? Isang milyon na yon’ eh! Eh kung mag-bigay ng tig-isa-isang libo iyong me kaya? Ilan na? Sampung milyon na! O eh mag-bigay lang ng tigdyi-dyis-mil iyong me kaya! Ang gaang-gaan lang ng dyis-mil sa me kaya eh! Sampung libo, beinte-mil, singkwenta-mil, sang’ daang libo! Magaan lang yon’! Kaya lang iyong me kayang nag-bibigay ng daang-libo pag-binilang mo sa daliri hindi ka lalagpas doon sa pangalawa, ha! Ang nag-bibigay ng daang-libo rito sa ating samahan parang isa lang ang tanda ko o dalawa, sabi ko nga sayo hindi ka lalagpas don’ sa pangalawang daliri eh. Maraming me kaya rito hindi maka-pagbigay ng daang-libo eh! Hindi makapag-bitaw! Kung meron man, isa, dalawa, mag-asawa pa! Eh lalusin mo ng lahat yung’ iba, hindi nag-bibigay nung’ ganon, ako na ang nag-sasabi sa inyo, gusto nyo’ ebidensya? Eh kung mag-bibigay lang ang lahat ng me kaya palagay ko pag-bigay nya ng tig-isa-isang-daang libo, madaling-madali matatapos iyon, magaan lang kase eh

ABULUYAN

Unang salaysay
Soriano: “Eh ngayon ba naman sa mga myembro mo nirarasyunan mo ba naman araw-araw! O kayo-kayo lang mga ministro ang nakikinabang dyan sa kinukurakot ninyong mga salaping hindi naman sa paraan ng Biblia”

Ikalawang salaysay
Soriano: “at kinukwenta ko na, kung halimbawa dalawampung libo ang mag-aabuluyan, at saka yan’ hindi abuluyan yan’ na yung’ duktrinang abuluyan na pag-tulong sa Iglesia bro. Jocel ano, iyan eh para sa convention center na ginastusan ko na ng mahigit 100 milyon, humihingi lang ako ng tulong sa myembro”

TEMPLO

Unang salaysay
Soriano: “Tanong pa nya’ isa, si Jesus ay nag-punta sa templo sa Lucas 2:46, bakit wala kayong templo? Meron naman, meron kami di’ lang kasing-gagara nung’ mga templo ngayon dito sa ating bansa, meron naman kami. Gusto mo pakita mo punta ka rito sa Pampanga meron ehe! Malaki, malaki pa sa Araneta Coliseum hehe!”

Pangalawang salaysay
Soriano: “Iyan ang chismiz kapatid na Jocel, napaka-liwanag na chismis nyan’ kase eh, unang-una, hindi naman templo yon’. Sa terminasyon palang ay hindi na mis-inform na ito eh. Mabuti nga ipakita nyo’ dyan yung’ naka-lagay don’, ADD convention center ha! Hindi templo yun’ano!? Convention center yun’ kapatid! Hindi pala kita kapatid, maano ang utak mo. Diba?! Hindi templo iyon, iyon ay convention center, Ka Bularan for your information” “Pero sasabihin mo iyon convention center namin sinabi ko raw templo, katarantaduhan iyang pinag-gagagawa mo na yan’! Convention center nga eh! Hindi kaba nakaka-intindi?!”

PULITIKA 2

Unang salaysay
Nag-tatanong: “Eh di’ ibig pong sabihin kinokontra ni bro. Eli sinabi nya’ non na… ang mga anak ng Dios hindi dapat maki-halo sa pulitika, kasi narinig ko po iyon eh word for word eh”
Danny: “Ay wala pong ganon!
Nag-tatanong: “De’ meron po, napanood ko”
Danny: “Ay…iyon po syempre ang sasabihin nyo’ dahil kayo’y oposisyonista namin”

Pangalawang salaysay
Nag-tatanong: “So…ang mangangaral sa Dios pwedeng hong maki-halo sa pulitika”
Danny: “Kami na po?”
Nag-tatanong: “Opo iyon napo tanong ko”
Danny: “Pwede po! Ayon iyan sa itinatadhana ng batas at saka wala naman pong masamang sinasabi sa Biblia, provided na wala kang lalabagin na batas sa Biblia”

*********************************
Soriano: “Napaka-mali ng ginagawa ng sinumang puno ng religion na nang-hihimasok sa pamamahala ng bansa. Iyon ay mga puno ng religion na hindi ginagamit ang kanilang mga utak”

*********************************

Pagsalungat ng mga manggagawa ni Soriano sa kanya
Willy: “Pati iyong pag-kakandidato ni bro. Eli eh, hehehahahaha! Inuunahan na tayo bro. Jocel mangampanya, hahahahahaha!”

HOLY SUPPER

Salaysay 1
Soriano: “Symbolical yung’ ginawa ni Cristo, and it can be perform spiritually. Kaya dito sa amin, meron ho kaming putol-putol ng tinapay dito. Ini-inom din namin ang katas ng ubas o ang dugo ni Cristo ”

Salaysay 2
Willy: “Ang atin pong ah…stand dito don Manolo, ito po kung Biblia po ang tatanungin hindi naman po ito dapat na ihulog sa literal don Manolo, at iyan nga po’y ipinag-kamalian na ng mga unang Kristyano. Sinasabi po sa I Cor. 11: 22 patuloy na sa akala po ng mga taga-Corinto eh iyon eh dapat na isagawa sa paraang literal”

Salaysay 3
Soriano: “Nung’ unang ituro ni Cristo yan’, nag-karoon sila ng literal na pag-babanal na hapunan eh”

KATAWAN o IGLESIA?

Pahayag 1 ni Soriano
Soriano: “Sapagkat may isa lang katawan! At ang katawan na tinatawag ng Biblia’y ang iglesia. Kung isa lang ang katawan, isa lang ang iglesia”

Pahayag 2 ni Soriano
Soriano: “At kay Manalo: Ang katawan ang iglesia, kaya iglesia ililigtas. Hindi iglesia ililigtas, ang ililigtas katawan!Naintindihan nyo’ ba mga mang-gagawa? Maling sabihin na ang iglesia ililigtas! Kasi, pag-sinabing iglesia kasama yung’ ulo! Pati si Cristo, pati ba si Cristo ililigtas mo? Kundi ka isang dakot na tanga! Biro mo nagka-matay na kayo di’ nyo’ pa naintindihan. Buti nalang bago ako mamatay naintindihan ko, merong nag-pakilala nung tunay na diwa ng Biblia! Sa awa ng Dios. Tapos, ang iglesia ni Cristo ang ililigtas ni Cristo. Mali pala iyong tema na yon’. Patutunayan ko ang katawan ang ililigtas hindi ang iglesia, dahil pag-sinabing iglesia kasama na roon si Cristo. Ba’t mo naman pati iyon ipaliligtas mo pa eh ligtas naman talaga iyon, sya’ nga ang taga-pagligtas eh”

PUWET NG DIOS

Soriano: At sinabi ng Dios, lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Nilalang ng Dios ang tao ayon sa kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios nilalang….. nya, nilalang nya sila na lalake at babae. Oh! kung ikaw naniniwalang nilalang ka sa larawan ng Dios, kung may PUWIT KA TATANGGAPIN MONG MAY PUWIT ANG DIOS!
Soriano: “Pero hindi ibig sabihin sa langit eh… may upuan ang Dios eh ibig sabihin may puwet na ang Dios”

DIOS SI ELI O HINDE?

Paninindigan 1
Soriano: “Ang Dios nandiyan lang eh, naka-handa laging sumama sayo. Ang Dios sumasama sabi nga ni Pablo, kung ang Dios ang aking katulong hindi ako natatakot, anong magagawa sa akin ng tao? Eh biro mo Dios ka tao lang sya’! Ulitin natin”
Willy: “Ano pa’t ating masasabi ng buong tapang, ang Panginoon ang aking katulong, hindi ako matatakot, anong magagawa sa akin ng tao”
Soriano: “O kita nyo! Ang Panginoon ang katulong ko, ba’t ako matatakot? Ano ang magagawa sa akin ng tao! Eh tao lang kayo eh, kasama ko ang Dios pati ako Dios narin eh”

Paninindigan 2
Soriano: “Nag-papakilala raw tayong Dios? Never na tayo nag-papakilalang Dios”

ALAGAD O KAWAL TUMAKAS?

Ang pagkontra ng manggagawa ni Soriano sa kanya
Nagtatanong: Ang punto po kasi doon’, ang pinag-uusapan, sino ang tumakas? Humuli o iyong mga alagad?
(halatang pilit tinatabunan ni Willy iyong boses ng nagtatanong sa pamamagitan ng pagsagot kaagad doon sa nagtatanong kahit di’ pa natatapos ang katanungan)
Willy: Hindi ho ba sinasabi ko na sa inyo kapatid! Hindi ba sinasabi ko sa inyo, ayon sa na-itinuro sa akin ni brother Eli na hindi ko naman iiwan iyon kapatid. Ang mga alagad tumakas, pati iyong mga nakakita ng mga kabutihang ginawa ng panginoon
Nagtatanong: Ang tanong maliwanag eh, sino po ba ang tumakas, iyong humuli o iyong mga alagad? Ngayon sabi nyo’ ngayon, ang tumakas iyong mga alagad, okey lang!
Willy: Hindi! Kung nakinig po kayong ng maige kapatid sinasabi ko sa inyo, iyong mga alagad tumakas

Ang turo ni Bro. Eli…
Soriano: Ang umiwan po sa kanya ay yung mga dumadakip sakanya.
Nagtatanong: Ah iniwan p…. di ba po dinakip sya bakit po sya iniwan?
Soriano: di iniwan, hindi po sya dinakip ng oras na iyon…
Nagtatanong: Ah…..
Soriano: iniwan sya ng lahat ng dumadakip sakanya at tumakas…… hindi po kasi pupwede na ang nangiwan sakanya mga apostol e

KERRUBIN

Ang aral ni Bro. Eli…
Soriano: Patunayan mo sa akin si Satanas ‘yung kerubin ‘dun sa…
Willy: 28 ng Ezekiel
Soriano: 28 ng Ezekiel, sige patunayan mo. Tutol ako!

Ang sabi ng kanyang manggagawa…
Danny: “Kita mo Allan, ‘yun palang demonyo na dating kerubin talagang maganda”

Sabi naman ni Bro. Eli…
Soriano: “Eh pero kami, halimbawa sabihin mo, eh ba’t ika sabi ni Danny ang kerubin daw eh si satanas, bakit ang sabi naman ni Soriano eh patunayan mo. Ba’t sinabi ko ba sayo, hindi ‘sya?

Nakakalito talaga…

MOISES….GINAWANG DIOS?

Unang turo ni Bro Eli…
Soriano: Kasi ‘yung pagka-Dios ni Moises eh ang gumawa eh ‘yung Dios! Kaya ang sabi ng Dios kay Moises: Ginawa kitang Dios kay Fahraon. Oh ngayon, sasabihin ng INC, eh di’ ika hindi tunay na Dios. Anong hindi tunay! ‘Sya na nga ang gumawa. Meron ba namang ginawa ang Dios na hindi tunay

Itinanggi ni Bro Eli ang kanyang unang turo
Soriano: Wala naman tayong sinasabing si Moises ginawa ng Dios na tunay na Dios eh, wala naman ‘non eh
Base sa ating nabasa, ipagkakatiwala mo pa ba ang iyong kaluluwa sa taong salu-salungatan kung mag-turo?

About these ads

2 Responses to “ANG DAAN DOON, ANG DAAN DITO, SAAN KA TUTUNGO?Ang mga salu-salungat na aral ni Ingkong at ng Dating Daan”

  1. Filipino Catholic said

    Pangdagdag rekado lang sa article na ito:

    http://www.pugiofidei.com/ang.htm

  2. Dodge said

    Mga kapatid, marami nang sumubok na mga ADD/MGCI (membro ni Soriano) ang nakipagdiskusyon sa atin sa YouTube pero sa awa ng Diyos hindi tayo makukuha at matitibag sa kanilang mga maling pamamaratang, panunuligsa, pamemersonal, pang-aalipusta at pagmumura, nasa atin ang Panginoong Kristo at nasa panig tayo ng katotohanan.

    God bless us all!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 54 other followers

%d bloggers like this: