Catholic Faith Defender

JOHN. 8:32 “et cognoscetis veritatem et veritas liberabit vos”

PANALANGIN BAGO AT PAGKATAPOS NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Posted by catholicfaithdefender on February 17, 2009

PANALANGIN BAGO AT PAGKATAPOS NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Link: http://lingkodbarnabitetagaytay.blogspot.com/2009/02/panalangin-bago-at-pagkatapos-ng.html

SAN TARCISIO (pATRON NG MGA lINGKOD NG dAMBANA)
PANALANGIN BAGO ANG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Amang nasa langit, ang iyong Anak na si Hesu-Kristo na aming Panginoon ay nagpamalas sa amin ng kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga nangangailangan.
Hinihiling ko po aking Ama na ako’y iyong tulungan sa aking paglilingkod sa Iyo at ng Iyong Bayan.
Buksan N’yo po ang aking bibig upang magpuri sa Iyo. Buksan N’yo po ang aking tenga upang makinig sa Iyong mga salita. Buksan N’yo po ang aking kamay upang maisakatuparan ko ng buong husay ang aking paglilingkod sa iyong dambana.
Alisin N’yo po sa aking puso’t isipan ang kahit anu mang nakakagambalang isipin.
Tulungan N’yo po akong makapaglingkod ng taimtim sa Banal mong Dambana, ng sa gayon ako’y makapagbigay galang, pagpupugay, pagsamba at papuri sa Iyo, ngayon at magpakailan man. Amen.

PANALANGIN PAGKATAPOS NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Panginoong Hesus, maraming salamat po sa pagkakataong ipinagkaloob N’yo sa akin upang ako’y makapaglingkod sa Banal na Misa. Ang aking puso ay puno ng kagalakan at kapayapaan, dahil sa biyayang ito. nawa’y lalo kong mapagbuti ang aking paglilingkod sa susunod na pagkakataon. Nawa’y ang Banal na Espiritu ay maging gabay kong lagi, upang ako ay maging karapatdapat sa iyong pag-ibig sa pamamagitan ng grasya ng Amang nasa langit. Amen.

About these ads

5 Responses to “PANALANGIN BAGO AT PAGKATAPOS NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA”

  1. It’s an honor, for the glory of God brother G-one na you post this prayer. Ipanalangin mo rin ang aming mga lingkod. Yan ang prayer na bago lang namin na gawa para madasal ng mga servers. We are one with you in prayer.

  2. Dhugz said

    Salamat po sa mga panalangin bago at pagkatapos ng misa. Ano rin po yung panalangin dapat pagkatapos marecieve ang communion(holy host)? Salamat po sa inyo mga bro, naway lalo pa kayong bigyan ng lakas ng Diyos upang lalo pa ninyong mapalawig ang mga salita ng Diyos at ang Katotohanan ng ating Iglesia na tunay na galing sa Diyos.

  3. Melissa Dogoldogol said

    Good day!

    Pwede po makahingi ng sample ng prayer of the faithful in filipino form. Kailangan po kasi namin sa mass this coming June 7. Taga Davao po ako hirap po ako sa tagalog na prayer. Visayan & English po kasi exposure namin dito.
    Thanks a lot.
    God bless

  4. joan villa said

    ang srap tlaga mag prayer..dahil araw araw nakaka usap ntin si god

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 52 other followers

%d bloggers like this: