Catholic Faith Defender

JOHN. 8:32 “et cognoscetis veritatem et veritas liberabit vos”

Sola Sriptura: Debunked by One of Our TV Program Viewers

Posted by catholicfaithdefender on April 3, 2008

SOLA SCRIPTURA [‘Bible Alone’] DOCTRINE: DEBUNKED BY ONE OF OUR TV PROGRAM VIEWERS

Codex Vaticanus, one of the oldest existing texts of the Sacred Scripture. I wonder why it is called CODEX VATICANUS not Codex Germanicus, Americanus, Dilimanus or Pampangus. He,he,he…

Dear Father Abe,

Magandang araw po sa inyo at sa lahat ng bumubuo ng inyong programang Splendor of the Church. Kapapanood ko pa lamang ng inyong nakaraang programa na tumatalakay sa Poong Nazareno. Sa akin pong palagay, halos lahat ng mga katanungan ay nakasentro sa biblical basis ng kapiyestahan ng Poong Nazareno ( e.g. Saan mababasa sa bibliya ang prusisyon, karo, panata, mga rebulto, etc.).

Sa istruktura ng mga tanong ay napaghahalatang mga tagasunod ng sola scriptura ang mga nagtatanong. Kung gayon, maaari din siguro tayong magtanong sa mga evangelicals at fundamentalist na ito, silang mga nagpapakilalang mga madudunong sa bibliya:

Sinong propeta ang humula na ang Kristo ay tatawaging Nazareno ayon sa Mat 2:23? Saan sa Old Testament makikita ang partikular na hulang ito?

Akala kasi ng mga taong ito, bibliya lamang ang dapat na pagbasehan ng pananampalataya, hindi nila pinapansin na ang bibliya mismo ay nagtuturo na ang Iglesia ang haligi at saligan ng katotohanan 1 Tim 3:15 at hindi maaaring magkamali ang Iglesia sapagkat ito ay ginagabayan ng ispiritu ng katotohanan Jn 16:12-13.

Using the Jerusalem Bible with all of its comprehensive cross references and footnotes, I’ve still yet to find out in whose prophetic oracle Matthew alludes Mt 2:23. Ang pinakamalapit lang siguro na maari nilang makita ay ang nazir o nazirite sa Numbers 6:1-8 at Jg 13:5,7 pero malayo naman ang konteksto.

Dito natin makikita na ang mga apostol noong araw ay hindi lamang sa mga kasulatan dumedende kundi maging sa oral traditions. Ang hula na si Kristo ay tatawaging Nazareno ay naipasa sa panahon ng mga apostol orally dahil hindi ito rekorded sa OT. Kinikilala ng mga apostoles ang oral tradition at kasulatan. 2 Th 2:15, 1 Cor 11:2, 1 Th 2:13; 3:10, 2 Th 3:6, 2 Tm 3:14.

Ilang mga tanong upang gibain ang doktrina ng sola scriptura:

1. Saan sa apat na ebanghelyo makikita na si Jesus ay nagsabi na: “It is better to give than to receive.”, quoted by San Pablo sa Acts 20:35?

2. Saan mababasa sa Old Testament na ang mga martir ng pananampalataya ay nilalagare o hinihiwa ayon sa He 11:37?

3. Saan sa OT makikita ang himno na sinipi ni San Pablo sa Eph 5:14?

4. Saan mababasa na nakipaglaban si Arkanghel San Miguel kay Satanas para sa bangkay ni Moses ayon sa Jude 9? Assumption of Moses ata ang pinanggalingan nito.

5. Saan mababasa sa Old Testament ang hula ni Enoch sa Jude 14 – 15?

6. Saan mababasa sa OT na sinusundan ng Bato ang mga Israelita ayon sa 1 Cor 10:4?

Naka Attached dito Father Abe ang naresearch ko tungkol sa mga doktrina ng INC, sana makatulong sa inyong programa.

Franz Luigi Lugena

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: