Catholic Faith Defender

JOHN. 8:32 “et cognoscetis veritatem et veritas liberabit vos”

Bakit ang mga Katoliko Tumatawag ng mga Santo sa Kanilang Dasal? (Part 2)

Posted by catholicfaithdefender on August 10, 2009

Bakit Ang Mga Katoliko ay Tumatawag ng mga Santo sa Kanilang Dasal

 

(Ikalawang Bahagi)

 

Ni Bro. Noel Paisones Sr. CFD/CFLAMP

Ang mga Katoliko ay tumatawag ng mga Santo dahil otos ito sa Banal na Tipan:

Job 5:1 (KJV) “call now if there be any that will answer thee; and to which of the saints wilt thou turn” -DITO sinabi po ni Job na tumawag tayo ng mga Santo.

Bakit ba sinabi niya (Job) ito? Sinasabi niya ito sapagkat ang mga pagdarasal o mga dasal ng mga taong makasalanan ay hindi tatanggapin ng Panginoong DIOS! Ito ang sabi ng Banal na Aklat.

PROVERBS 15:8 (KJV) “the sacrifice of the wicked is an abomination to the Lord but the prayer of the upright is his delight”; dito malinaw na ang pagdarasal ng mga walang sala ay tinatanggap ng Panginoong DIOS peru ang dasal ng makasalanan ay hindi niya tatanggapin. PROVERBS 15:29 (KJV) “the Lord is far from the wicked but he heareth the prayer of the righteous”;

Sino ba ang  walang sala? Tayo ba? Ikaw ba? tayong lahat ay maysala ROMA 3:23 ( Magandang Balita BIBLIA ) “sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng DIOS”. Ay kapatid tayong lahat pala ay makasalanan at dahilan ito na ang Panginoong DIOS ay hindi nakakarinig ng ating mga darasal. ISAIAS 59:2 ( Magandang Balita Biblia ) “ngunit ang sala mo ang nagiging dahilan kaya di marinig ng DIOS ang dalangin mo.

May tatlong tao na nag kasala sa DIOS at nag dasal sila sa Panginoong DIOS; hindi tinanggap ang kanilang pag darasal sapagkat sila ay nagkasala sa DIOS; at sinabihan sila ng DIOS na pumunta kay Job at siya ang magdarasal sa kanila at tatanggapin niya ang mga dasal ni Job.

JOB 42:7-9 ito po ang sabi ng Banal na Aklat “pagkasabi nito kay Job si Elifaz naman ang hinarap ni Yahweh. Sinabi niya ang poot koy nag-aalab laban sayo at sa dalawa mong kaibigan pagkat di ninyo sinabi kay Job ang katotohanan tungkol sa akin. Kaya ngayon kumuha kayo ng 7 toro at 7 tupa isama mo si Job at sunugin niyo ang mga ito bilang handog at kayo’y ipanalangin niya; siya lamang ang pakikinggan ko”

Dito itinuru ng Panginoong DIOS na mag patulung tayo sa mga Santo sapagkat pakikinggan sila ng DIOS. At mga kapatid ang Aral Katoliko ay ebinasi ito sa Aral ng Panginoong DIOS.

 

At bakit ang mga Protestante ay hindi sila tumawag sa mga santo???

Sapagkat wala pang protestante na ginawang (ginawa ng Protestante) santo.

ROMA 3:23 kapag ang Protestante ay mag sabi na sila ay walang sala; sila ay mga Sinungaling. JUAN 1:8,10ito ang sinasabi “kung sinasabi nating nawala tayong sala dinadaya natin an ating sarili at wala sa atin ang katotohanan at ginawa nating sinungaling ang DIOS.

One Response to “Bakit ang mga Katoliko Tumatawag ng mga Santo sa Kanilang Dasal? (Part 2)”

  1. aljon said

    bro. meron pong nagmamayabang sa Amin sa FS na naghahamon daw po ng debate sa inyo eh tinanggihan nio daw po. Isa pong ADD yun

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: